SA LAHAT NG MGA MAG-AARAL AT MGA MAGULANG:
ISANG MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT.
MARIING PINABUBULAANAN NG PAMUNUAN NG CAVITE STATE UNIVERSITY ANG MGA LUMALABAS NA BALITA NA ANG PAMANTASAN AY NANINIKIL O NANGGIGIPIT SA MGA KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL.
ITO PO AY ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN. ANG PAMANTASAN AY MAY KABUUANG BILANG NA APATNAPU鈥橳 WALONG LIBO (48,000) NA LIBRE AT MALAYANG MAG-AARAL.
DAHIL SA PANDEMYA, ANG MGA PARAAN NG PAGTUTURO AT PAG-AARAL AY BASE SA MGA STRATEHIYA NG 鈥淔LEXIBLE LEARNING鈥 NA PINAGTIBAY NG BOARD OF REGENTS.
Ang pamantasan sa pangunguna ng Office of Student Affairs and Services ang nagsasagawa at naglalatag ng mga programa at proyekto para sa kagalingan at pag-unlad ng kalagayan ng lahat ng mag-aaral na walang pinipili o hinihiwalay na聽 indibidwal anuman ang organisasyong kinasasapian.
Sa katunayan, noong SY 2019- 2020,聽 ang pamantasan ay mayroong kabuuang聽 82 na organisasyon na kinilala at binigyan ng sertipiko. Sa kasalukuyan ay naghahanda naman ang OSAS para sa pagkilala at pagbibigay muli ng sertipiko sa mga kwalipikadong organisasyon ng mga mag-aaral ngayong SY 2020- 2021 na magaganap sa ika- 10 ng Nobyembre, 2020. Ang mga kinilalang organisayon ay聽 malayang nakagagalaw sa loob ng pamantasan.
Malaya ang mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang damdamin na naayon sa mga batas ng pamantasan na nasusulat sa 鈥淪tudent Handbook鈥.
Ang pamunuan ng pamantasan kailanman ay hindi nag 鈥淩ed Tag鈥 sa sinumang indibidwal o grupo sapagkat wala ito sa mandato ng pamantasan.聽 Ang pamantasan ay nakatuon lamang sa mga gawaing akademiko at hindi lubhang nakikialam sa isyung politikal.
Ang diumanong nangyaring 鈥淩ed Tagging鈥 sa isang NSTP Webinar ay patungkol sa pangkalahatang pagsusuri at paglalatag ng impormasyon at HINDI TUMUTUKOY SA SINUMANG INDIBIDWAL O GRUPO SA LOOB NG PAMANTASAN.
Ang opinyon ng 鈥淩esource Person鈥 ay kanyang sariling paglalahad at hindi ng Pamantasan. Nasa mga dumalo ang malayang desisyon kung sila ay maniniwala sa mga inihayag na impormasyon ng 鈥淩esource Person鈥 o hindi. ANG PAMANTASAN AY HINDI KAILANMAN MANGHIHIMASOK SA GAWAIN NG IBANG SEKTOR NA SUPILIN ANG KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL, GURO AT EMPLEYADO SA LOOB NG PAMANTASAN.
MARIIN PO NAMING INUULIT NA ANG PAMANTASAN AY HINDI KAILANMAN NAG-鈥淩ED TAG鈥 NG KAHIT SINONG INDIBIDWAL O GRUPO MAGING MAG-AARAL, GURO O EMPLEYADO. WALA PO ITO SA MANDATO NG PAMANTASAN.
Sa kasalukuyan, ang Pamantasan ay nagsasagawa ng isang malayang halalan upang mapili ang mga susunod na mamumuno sa Central Student Government. 聽Ang GAWAING ITO AY ISANG MALIWANAG NA PAGPAPATUNAY NA ANG LAHAT NG KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL AY MALAYANG NATATAMASA NG LAHAT.
Kung sino man ang mananalong mga kandidato, anuman ang apilasyon, ay malugod naming tatanggapin at patuloy na susuportahan para sa ikagagaling ng lahat ng mag-aaral.
Umasa po kayo na patuloy na gagampanan ng pamunuan ng pamantasan ang tungkuling mapayabong at mapaunlad ang kaalaman sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
MULI PO, ANG PAMANTASAN AY HINDI KAILANMAN NAG-鈥楻ED TAG鈥 SA SINUMANG MAG-AARAL SA LOOB NG PAMANTASAN. WALA PO ITO SA MANDATO NG PAARALAN.
PAUMANHIN PO ANG HINGI NAMIN SA ANUMANG IDINULOT NA AGAM-AGAM.
SALAMAT PO.
– PAMUNUAN